Pagsusuri sa kadalasang kamalian sa mga sanaysay ng mga mag-aaral / Pepe T. Casabuena
By: Casabuena, Pepe T
Language: Filipino Publisher: Sibalom, Antique : University of Antique, 2024Description: i, 126 leavesContent type: Media type: Carrier type: Genre/Form: ThesesDDC classification: TH 378.242 C3343 2024 Summary: Abstract Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maibahagi ng indibidwal ang kaniyang saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat ang hindi masasabi sa bibig ay naibabahagi ng maayos sa paraang pasulat. Ang pag-aaral na ito ay naglayong masuri ang kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ng Pandan Bay Institute, Pandan, Antique noong panuruan 2022-2023. Ang palarawang pananaliksik o deskriptibong pamamaraan ang ginamit upang matukoy ang mga imperksiyon patungkol sa antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang gamit ang rubric na ibinatay sa panukalang modelo ni Ferris (2005). Sinuri ang kadalasang kamalian sa pagsulat ng sanaysay ayon sa leksikal, mekanikal, morpolohikal, at sintaktik. Lumabas na may mataas na antas ang kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral kung susuriin ayon sa leksikal, mekanikal, morpolohikal, at sintaktik na kabuuan. Isa itong kaganapan na nalalayong matugunan at makuha ang mga datos upang mabigyan nang matibay na interbensyon ang mga nasabing aspekto sa kadalasang kamalian sa pagsulat. Lumilitaw din na ang antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral kung susuriin ayon sa leksikal ay mababa pagdating sa tamang paggamit ng salita at mataas naman ang antas ng kadalasang kamalian nito pagdating sa diksyon at kaangkupan. Samantala, mataas ang antas ng kadalasang kamalian sa pagsulat ng sanaysay kung susuriin naman ito sa mekanikal pagdating sa bantas at pagbabaybay; sa morpolohikal pagdating sa pagbubuo ng mga salita; at sa sintaktik pagdating sa pagbubuo ng mga pangungusap. Sa kabilang banda, walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay kung pagbabatayan ang kasarian ng mga mag-aaral. Sa pangkalahatan, may mas mataas na antas ng kamalian sa mga gawaing sanaysay ang mga mag-aaral na lalaki kung ikukumpara sa mga mag-aaral na babae.| Item type | Current location | Home library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | Item holds | 
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Theses | Sibalom | Sibalom MTHEM | Main-GS/Theses(Masteral) | TH 378.242 C3343 2024 (Browse shelf) | Available | TH 2056 | 
                                    
                                        Abstract
Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maibahagi ng indibidwal ang kaniyang saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat ang hindi masasabi sa bibig ay naibabahagi ng maayos sa paraang pasulat. Ang pag-aaral na ito ay naglayong masuri ang kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ng Pandan Bay Institute, Pandan, Antique noong panuruan 2022-2023. Ang palarawang pananaliksik o deskriptibong pamamaraan ang ginamit upang matukoy ang mga imperksiyon patungkol sa antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang gamit ang rubric na ibinatay sa panukalang modelo ni Ferris (2005). Sinuri ang kadalasang kamalian sa pagsulat ng sanaysay ayon sa leksikal, mekanikal, morpolohikal, at sintaktik. Lumabas na may mataas na antas ang kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral kung susuriin ayon sa leksikal, mekanikal, morpolohikal, at sintaktik na kabuuan. Isa itong kaganapan na nalalayong matugunan at makuha ang mga datos upang mabigyan nang matibay na interbensyon ang mga nasabing aspekto sa kadalasang kamalian sa pagsulat. Lumilitaw din na ang antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay ng mga mag-aaral kung susuriin ayon sa leksikal ay mababa pagdating sa tamang paggamit ng salita at mataas naman ang antas ng kadalasang kamalian nito pagdating sa diksyon at kaangkupan. Samantala, mataas ang antas ng kadalasang kamalian sa pagsulat ng sanaysay kung susuriin naman ito sa mekanikal pagdating sa bantas at pagbabaybay; sa morpolohikal pagdating sa pagbubuo ng mga salita; at sa sintaktik pagdating sa pagbubuo ng mga pangungusap. Sa kabilang banda, walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kadalasang kamalian sa mga gawaing sanaysay kung pagbabatayan ang kasarian ng mga mag-aaral. Sa pangkalahatan, may mas mataas na antas ng kamalian sa mga gawaing sanaysay ang mga mag-aaral na lalaki kung ikukumpara sa mga mag-aaral na babae.
                                    
                                    
Main-Masteral Theses

There are no comments for this item.