Materyal at di-materyal na kulltura sa pahiris de Laua-an : kung-ungan ng pagpapahalagang Lauan-on / Jovem M. Luces.
By: Luces, Jovem M
Language: Filipino Publisher: Sibalom, Antique : University of Antique, 2024Description: xvii, 168 leaves : col. ill. ; 28 cmContent type: Media type: Carrier type: Genre/Form: Theses. DDC classification: TH 378.242 L935 2024 Summary: Ang pinagsanib na kwalitatibo at kwantitatibong pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga materyal at di-materyal na kultura sa Patnins de Laua-an. Ginamit ng mananaliksik ang adaptasyon ng cultural mapping tools ng NCCA upang matukoy ang mga materyal na kultura sa Patnins de Laua-an, ginamit din ang obserbasyon at pagtatanong bilang metodo sa pag-aaral at masuri ang mga kultura sa Patnins de Laua-an at ang uri ng pamumuhay ng mga tumutubo. Napag-alamang ang kamarin, at lahat ng nakapaloob dito, at mga pagkaing produkto ng tubo ang mga materyal na kultura ng Patnins de Laua-an. Ang di-materyal na kultura naman ay nakatuon sa mga paniniwala ng Laua-on sa mga ritwal at ang pagtatanghal ng Patnins Festival gayundin ang kanilang mga pagpapahalaga habang isinasagawa ang pagdiriwang. Lumabas din sa pag-aaral na nagsasagawa ng "daga" upang walang anumang mangyayaring masama sa pagpoproseso ng muscovado o kalamay pula. Lumabas naman sa pagsusuri ang walang (8) pagpapahalagang Laua-an on sa pagdiriwang ng Patnins: pagkamahilig sa mga selebrasyon at pista at pagkamalay-an ay likas sa mga tumandok ng Laua-an; bayanihan; may katiyagaan at kasipagan sa buhay; marunongang magpakumbabahagi ng oras; may mahabang pasensya at may kakayahan sa paggamit ng oras; may pagkamatulungin sa pamilya at may pagkamatapat sa trabaho; at masining sa kultura ng Patnins at pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng bayan. Isinasabuhay ng mga taga-Laua-an ang mga minanang tradisyon at kalinangan mula pa sa kanilang mga ninuno. Itinagubiling gamitin at palawakin ang kultura ng Laua-an bilang lokal na panitikan at upang makatutulong sa pagpapaigting sa mga aralin sa K-12 kurikulum at ikauunlad ng turismo at ekonomiya ng bayan ng Laua-an, maging sa buong lalawigan ng Antique.| Item type | Current location | Home library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | Item holds | 
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Theses | Sibalom | Sibalom MTHEM | Main-GS/Theses(Masteral) | TH 378.242 L935 2024 (Browse shelf) | Available | TH 2153 | 
                                    
                                        Ang pinagsanib na kwalitatibo at kwantitatibong pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga materyal at di-materyal na kultura sa Patnins de Laua-an. Ginamit ng mananaliksik ang adaptasyon ng cultural mapping tools ng NCCA upang matukoy ang mga materyal na kultura sa Patnins de Laua-an, ginamit din ang obserbasyon at pagtatanong bilang metodo sa pag-aaral at masuri ang mga kultura sa Patnins de Laua-an at ang uri ng pamumuhay ng mga tumutubo.
Napag-alamang ang kamarin, at lahat ng nakapaloob dito, at mga pagkaing produkto ng tubo ang mga materyal na kultura ng Patnins de Laua-an. Ang di-materyal na kultura naman ay nakatuon sa mga paniniwala ng Laua-on sa mga ritwal at ang pagtatanghal ng Patnins Festival gayundin ang kanilang mga pagpapahalaga habang isinasagawa ang pagdiriwang. Lumabas din sa pag-aaral na nagsasagawa ng "daga" upang walang anumang mangyayaring masama sa pagpoproseso ng muscovado o kalamay pula.
Lumabas naman sa pagsusuri ang walang (8) pagpapahalagang Laua-an on sa pagdiriwang ng Patnins: pagkamahilig sa mga selebrasyon at pista at pagkamalay-an ay likas sa mga tumandok ng Laua-an; bayanihan; may katiyagaan at kasipagan sa buhay; marunongang magpakumbabahagi ng oras; may mahabang pasensya at may kakayahan sa paggamit ng oras; may pagkamatulungin sa pamilya at may pagkamatapat sa trabaho; at masining sa kultura ng Patnins at pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng bayan. 
Isinasabuhay ng mga taga-Laua-an ang mga minanang tradisyon at kalinangan mula pa sa kanilang mga ninuno. Itinagubiling gamitin at palawakin ang kultura ng Laua-an bilang lokal na panitikan at upang makatutulong sa pagpapaigting sa mga aralin sa K-12 kurikulum at ikauunlad ng turismo at ekonomiya ng bayan ng Laua-an, maging sa buong lalawigan ng Antique.
                                    
                                    
Main-Masteral Theses

There are no comments for this item.