Isinakomiks na El Filibusterismo bilang kagamitang pagtuturo: pagbuo at pagtataya / Charrise L. Morales

By: Morales, Charrise L
Publisher: Sibalom, Antique : University of Antique , 2025Description: xii, 120 pages : illustration ; 28 cmSubject(s): Higher education -- Theses and dissertations | Filipino language and literature -- Study and teachingDDC classification: TH 378.242 M8283 2025 Summary: Abstrak Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga hindi pamilyar na kabanata ng El Filibusterismo na magsisilbing babasahin at kagamitang pampagtuturo para sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptiv Debelopmental Type 1 na disenyo na may layuning makabuo ng komiks batay sa mga kabanatang hindi pamilyar ng mga mag-aaral. Ang Modelong IPO (Input-Process-Output) ay ginamit ng mananaliksik upang gabayan ang buong proseso mula sa pagtukoy sa mga hindi pamilyar na kabanata, sa pagbuo ng isinakomiks hanggang sa patataya ng mga antas ng kahusayan bilang babasahin at kagamitang pampagtuturo. Gamit ang Raosoft Sample Size Calculator at Random Sampling Technique, nakuha ang dalawang daan at dalawampu't pito (227) na mga mag-aaral na tagatugon. Ang mga tagataya ng pag-aaral na ito ay tatlon (3) dalubhasa o eksperto sa larangan ng pagsasakomiks, tatlong (3) guro mula sa Department of Education na nagtuturo ng El Filibusterismo at dalawang (2) dalubhasa o eksperto sa pagbabalangkas ng kurikulum. Ang tseklist ni Tamba (2023) ang ginamit ng mananaliksik upang matukoy kung ano-anong mga kabanata ng El Filibusterismo ang hindi alam o pamilyar ng mga mag-aaral. Sa pagtaya ng kahusayan ng binuong komiks bilang babasahin, ginamit ng mananakiksik ang instrumentong binuo ng ReadWriteThink International Reading Association (NCTE) ni Cabiles (2014) at Tamba (2023). Isang talatanungan ang ginamit naman sa pagtaya sa antas ng kahusayan ng binuong komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pagsusuri ng datos ginamit ang mean at standard deviation. Matutunghayang ang mga kabanatang isinakomiks ay mula sa gitnang bahagi ng tatlumpu't siyam na kabanata ng El Filibusterismo. Nang isinakomiks ang nasabing kabanatang hindi pamilyar o alam ng mga mag-aaral, sa kabuoan, napakahusay ang pagtaya ng mga dalubhasa sa isinakomiks na nobela bilang babasahin. Napakahuyasay rin ang naging pagtataya ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Mahihinuha na ang paggamit ng malalim at makalumang Tagalog sa ilang aklat ng El Filibusterismo ang siyang nakikitang dahilan kung kaya nahihirapan sa pag-unawa ang mga mag-aaral at nagiging sanhi ng kawalan ng pamilyaridad at interes sa nasabing nobela. Nakikitang makatutulong ang isinakomiks na obra sa pagpapabilis ng pagtuturo ng nasabing obra maestra kaya iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin ang komiks bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong midyum sa pagtuturo ng panitikan upang mapataas ang interes, motibasyon, at komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa. Mga Susing Salita: El Filibusterismo, komiks, kagamitang pampagtuturo, panitikang Filipino, debelopmental type 1 na pananaliksik, deskriptiv na pananaliksik
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Item type Current location Home library Call number Status Date due Barcode Item holds
Theses/Dissertation Sibalom
Sibalom
TH 378.242 M8283 2025 (Browse shelf) Not for loan TH 2442
Total holds: 0

Includes bibliographic references.

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga hindi pamilyar na kabanata ng El Filibusterismo na magsisilbing babasahin at kagamitang pampagtuturo para sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptiv Debelopmental Type 1 na disenyo na may layuning makabuo ng komiks batay sa mga kabanatang hindi pamilyar ng mga mag-aaral. Ang Modelong IPO (Input-Process-Output) ay ginamit ng mananaliksik upang gabayan ang buong proseso mula sa pagtukoy sa mga hindi pamilyar na kabanata, sa pagbuo ng isinakomiks hanggang sa patataya ng mga antas ng kahusayan bilang babasahin at kagamitang pampagtuturo. Gamit ang Raosoft Sample Size Calculator at Random Sampling Technique, nakuha ang dalawang daan at dalawampu't pito (227) na mga mag-aaral na tagatugon. Ang mga tagataya ng pag-aaral na ito ay tatlon (3) dalubhasa o eksperto sa larangan ng pagsasakomiks, tatlong (3) guro mula sa Department of Education na nagtuturo ng El Filibusterismo at dalawang (2) dalubhasa o eksperto sa pagbabalangkas ng kurikulum. Ang tseklist ni Tamba (2023) ang ginamit ng mananaliksik upang matukoy kung ano-anong mga kabanata ng El Filibusterismo ang hindi alam o pamilyar ng mga mag-aaral. Sa pagtaya ng kahusayan ng binuong komiks bilang babasahin, ginamit ng mananakiksik ang instrumentong binuo ng ReadWriteThink International Reading Association (NCTE) ni Cabiles (2014) at Tamba (2023). Isang talatanungan ang ginamit naman sa pagtaya sa antas ng kahusayan ng binuong komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pagsusuri ng datos ginamit ang mean at standard deviation. Matutunghayang ang mga kabanatang isinakomiks ay mula sa gitnang bahagi ng tatlumpu't siyam na kabanata ng El Filibusterismo. Nang isinakomiks ang nasabing kabanatang hindi pamilyar o alam ng mga mag-aaral, sa kabuoan, napakahusay ang pagtaya ng mga dalubhasa sa isinakomiks na nobela bilang babasahin. Napakahuyasay rin ang naging pagtataya ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo.

Mahihinuha na ang paggamit ng malalim at makalumang Tagalog sa ilang aklat ng El Filibusterismo ang siyang nakikitang dahilan kung kaya nahihirapan sa pag-unawa ang mga mag-aaral at nagiging sanhi ng kawalan ng pamilyaridad at interes sa nasabing nobela. Nakikitang makatutulong ang isinakomiks na obra sa pagpapabilis ng pagtuturo ng nasabing obra maestra kaya iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin ang komiks bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong midyum sa pagtuturo ng panitikan upang mapataas ang interes, motibasyon, at komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa.

Mga Susing Salita: El Filibusterismo, komiks, kagamitang pampagtuturo, panitikang Filipino, debelopmental type 1 na pananaliksik, deskriptiv na pananaliksik

Theses/Dissertations Graduate Studies

There are no comments for this item.

to post a comment.

Click on an image to view it in the image viewer