Pagbuo at pagtataya ng isinakomiks na Noli Me Tangere : isang debelopmental na pag-aaral /
Denmark A. Tandoy.
- x, 103 leaves
Abstract:
Layunin ng debelopmental na pag-aaral na ito na makabuo ng komiks mula sa mga kabanata ng Noli Me Tangere na hindi alam o pamilyar sa mga mag-aaral. Mula sa pre-survey ay natukoy ang mga kabanatang di alam ng mga mag-aaral at ang mga nasabing kabanata ay isinakomiks. Ginamit ang instrumentong binuo ng ReadWrite Think International Reading Association (NCTE) (Cabiles, 2014 at Tamba, 2024) sa pagtataya sa kahusayan ng binuong komiks bilang babasahin. Isang talatanungan ang ginamit naman sa pagtataya sa antas ng kahusayan ng binuong komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pagsusuri ng datos ginamit ang mean at standard deviation. Matutunghayang ang mga kabanatang isinakomiks ay mula sa huling kalahati ng nobelang Noli Me Tangere. Nang isinakomiks ang nasabing kabanatang hindi pamilyar o alam ng mga mag-aaral, sa kabuuan, napakahusay ang pagtataya ng mga dalubhasa sa isinakomiks na nobela bilang babasahin. Napakahusay rin ang naging pagtataya ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Mahihinuhaing ang kakapusan sa panahong inilaan sa pagtuturo ng Noli Me Tangere ang siyang nakikitang dahilan kung kaya hindi natuturo ang kabuoan ng nasabing nobela. Nakikitang makatutulong ang isinakomiks na obra sa pagpapabilis ng pagtuturo ng nasabing obra maestra kaya iminumungkahing ipagamit ito sa mga mag-aaral at guro sa Baitang 9.