Pagtitipon at pagsasalin ng mga karunungang-bayan ng Laua-an, Antique : pag-aakma sa mga kompetensi ng Filipino 7 /
Ruby Jean A. Baldomar.
- xiv, 153 leaves
Abstract: Ang deskriptib-ebalwatib na pag-aaral na ito ay may layuning matipon, masalin ang mga karunungang-bayan mula sa 27 na barangay ng Laua-an, Antique at pag-aakma ng mga ito sa kompetensi ng Filipino baitang 7. Sa pagkalap ng mga datos, mayroong pitumpu't pito (77) na mga importante at namamayaning mananaliksik, mula sa kanilang kasagutan nadiaktuhan ang kabuuang bilang na siyamnapu't tatlo (93) na mga Karunungang-bayan: apatnapu't pito (47) nito ay bugtong, tatlumpu't isa (31) ang sawikain at labinlima (15) ang kasabihan. Ang mga ito ay may mga tema na sumasalamin sa mga paniniwala, kaugalian, hanapbuhay at pagpapahalaga sa edukasyon at sa pamilya ng mga taga-Laua-an.
Sa ginawang pagsasalin naman, ginamit ng mananaliksik ang tskeis at katampatang - tuos (mean) upang mataya ang antas ng katumpakan ng pagsasalin sa kabuuan ay ayon sa sumusunod na tuntunin: a. Kawastuhang panretorika, b. Kawastuhang pambalarila, c. Gamit ng patalinahang pananalita, d. Kalinawan ng salin, at e. Katangiang pampanitikan. Mula sa resulta, ang antas ng katumpakan ng ginawang salin sa kabuuan ay tumpak na tumpak at gayundin sa mga tuntunin nito.
Tinaya rin sa pag-aaral na ito ang antas ng kaakmaan ng ginawang panukalang paghahanay, lumabas sa resulta na ang mga natipong karunungang-bayan ay umaakma sa kompetensi ng asignaturang Filipino 7.
Nagpapahiwatig na maaari mapakinabangan ang mga nabuong panukalang paghahanay ng mga guro sa Filipino at mga mag-aaral sapagkat, mayroon na silang pagbabasahan ng kanilang aralin na nakaugat sa Most Essential Learning Competencies ng Filipino 7, isa rin itong kasagutan sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng kontekstwalisadong kagamitang pampagtuturo na nauugnay sa mismo nilang pamayanan, tradisyon at kultura, malaking tulong din ito sa mamamayan ng bayan ng Laua-an dahil sa maiprepreserba nito ang kanilang mga katutubong karunungang bayan.
Iminahihiwatig na magkaroon ng iba pang pag-aaral na nauugnay sa mga karunungang bayan o lokal na panitikan ng iba pang barangay ng Laua-an, nang sa gayon, madagdagan pa ang kagamitang pampagtuturo ng mga katutubong karunungang-bayan na akmang-akma sa kompetensi ng Filipino 7 at upang mas mabigyang pagpapahalaga ang pampanitikang panrelihiyuan.