Marfil, Mae M.

Karaniwang kamalian sa mekaniks, estruktura at retorika sa pagsulat: batayan sa pagbuo ng mga gawaing pampagsasanay / Mae Mugar-Marfil - xi, 152 pages : illustrations ; 28 cm

Includes bibliographical references.

Abstrak

Ang deskriptib-debelopmental (Type 1) na pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang karaniwang kamalian sa mekaniks, estruktura at retorika sa pagsulat. Layunin din ng pag-aaral na makabuo ng isang gawaing pampagsasanay ayon sa iba't ibang aspekto ng pagsulat at mataya ang antas ng pagtanggap nito.

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay binubuo ng mga mag- aaral sa dalawang pangkat sa klase ng isang pampublikong paaralang pansekundarya sa Antique. Upang matukoy ang mga karaniwang kamalian sa mekaniks, estruktura at retorika, pinasulat ang mga kalahok ng kanilang talambuhay at pinasuri ang mga ito sa dalawang tagataya na kapwa guro sa Filipino.Nagsilbing tagataya rin ang mananaliksik. Mula sa natukoy na mga kamalian, kinuha lamang ang unang tatlong may pinakakaraniwang kamalian ng mga mag-aaral sa mekaniks, estruktura at retorika sa pagsulat upang maging batayan sa pagbuo ng mga gawaing pampagsasanay.

Natuklasang ang karaniwang kamalian sa mekaniks ay ang paggamit ng malaki at malit na titik, pagbabantas at indensyon. Sa estruktura ang kamalian sa ayos ng pangungusap, gamit ng ""nang"" at ""ng"" at gamit ng mga bahagi ng pananalita. Samantala, makikita na sa retorika ang mga mag-aaral ay may limitadong pagpapahayag ng mge ideya, kawalan ng pag-uugnay ng mga salita sa pangungusap at kawalar ng pag-uugnay ng mga talata (diin, kaisahan, pagkakaugnay-ugnay).

Lubos na katanggap-tanggap ang mga gawaing pampagsasanay batay sa pagsusuri ng mga eksperto.

Frequency count, ranggo, bahagdan, mean at standard deviatior ang istadistikang ginamit sa pagsusuri ng mga datos numerikal.




Higher Education--Theses and dissertations
Filipino language--Composition and exercises

TH 378.242 M326 2025