03491 a2200193 450000500170000008200260001710000250004324501120006826400550018030000460023550400390028152027190032052600110303965000480305065000570309894200120315599900170316795201130318420260708101522.0 aTH 378.242 M8283 20251 aMorales, Charrise L. aIsinakomiks na El Filibusterismo bilang kagamitang pagtuturo: bpagbuo at pagtataya / cCharrise L. Morales 1aSibalom, Antique : bUniversity of Antique ,c2025 axii, 120 pages :b illustration ; c28 cm aIncludes bibliographic references. aAbstrak Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga hindi pamilyar na kabanata ng El Filibusterismo na magsisilbing babasahin at kagamitang pampagtuturo para sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptiv Debelopmental Type 1 na disenyo na may layuning makabuo ng komiks batay sa mga kabanatang hindi pamilyar ng mga mag-aaral. Ang Modelong IPO (Input-Process-Output) ay ginamit ng mananaliksik upang gabayan ang buong proseso mula sa pagtukoy sa mga hindi pamilyar na kabanata, sa pagbuo ng isinakomiks hanggang sa patataya ng mga antas ng kahusayan bilang babasahin at kagamitang pampagtuturo. Gamit ang Raosoft Sample Size Calculator at Random Sampling Technique, nakuha ang dalawang daan at dalawampu't pito (227) na mga mag-aaral na tagatugon. Ang mga tagataya ng pag-aaral na ito ay tatlon (3) dalubhasa o eksperto sa larangan ng pagsasakomiks, tatlong (3) guro mula sa Department of Education na nagtuturo ng El Filibusterismo at dalawang (2) dalubhasa o eksperto sa pagbabalangkas ng kurikulum. Ang tseklist ni Tamba (2023) ang ginamit ng mananaliksik upang matukoy kung ano-anong mga kabanata ng El Filibusterismo ang hindi alam o pamilyar ng mga mag-aaral. Sa pagtaya ng kahusayan ng binuong komiks bilang babasahin, ginamit ng mananakiksik ang instrumentong binuo ng ReadWriteThink International Reading Association (NCTE) ni Cabiles (2014) at Tamba (2023). Isang talatanungan ang ginamit naman sa pagtaya sa antas ng kahusayan ng binuong komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pagsusuri ng datos ginamit ang mean at standard deviation. Matutunghayang ang mga kabanatang isinakomiks ay mula sa gitnang bahagi ng tatlumpu't siyam na kabanata ng El Filibusterismo. Nang isinakomiks ang nasabing kabanatang hindi pamilyar o alam ng mga mag-aaral, sa kabuoan, napakahusay ang pagtaya ng mga dalubhasa sa isinakomiks na nobela bilang babasahin. Napakahuyasay rin ang naging pagtataya ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Mahihinuha na ang paggamit ng malalim at makalumang Tagalog sa ilang aklat ng El Filibusterismo ang siyang nakikitang dahilan kung kaya nahihirapan sa pag-unawa ang mga mag-aaral at nagiging sanhi ng kawalan ng pamilyaridad at interes sa nasabing nobela. Nakikitang makatutulong ang isinakomiks na obra sa pagpapabilis ng pagtuturo ng nasabing obra maestra kaya iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin ang komiks bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong midyum sa pagtuturo ng panitikan upang mapataas ang interes, motibasyon, at komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa. Mga Susing Salita: El Filibusterismo, komiks, kagamitang pampagtuturo, panitikang Filipino, debelopmental type 1 na pananaliksik, deskriptiv na pananaliksik aTHbGS aHigher educationvTheses and dissertations  aFilipino language and literaturexStudy and teaching 2ddccTH c41621d41621 00102ddc4070aSBbSBd2026-07-08eDonationl0oTH 378.242 M8283 2025pTH 2442r2026-07-08w2026-07-08yTH