| 000 | 03372 a2200181 4500 | ||
|---|---|---|---|
| 005 | 20260708101522.0 | ||
| 082 | _aTH 378.242 M8283 2025 | ||
| 100 | 1 | _aMorales, Charrise L. | |
| 245 |
_aIsinakomiks na El Filibusterismo bilang kagamitang pagtuturo: _bpagbuo at pagtataya / _cCharrise L. Morales |
||
| 264 | 1 |
_aSibalom, Antique : _bUniversity of Antique , _c2025 |
|
| 300 |
_axii, 120 pages : _b illustration ; _c28 cm |
||
| 504 | _aIncludes bibliographic references. | ||
| 520 | _aAbstrak Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga hindi pamilyar na kabanata ng El Filibusterismo na magsisilbing babasahin at kagamitang pampagtuturo para sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptiv Debelopmental Type 1 na disenyo na may layuning makabuo ng komiks batay sa mga kabanatang hindi pamilyar ng mga mag-aaral. Ang Modelong IPO (Input-Process-Output) ay ginamit ng mananaliksik upang gabayan ang buong proseso mula sa pagtukoy sa mga hindi pamilyar na kabanata, sa pagbuo ng isinakomiks hanggang sa patataya ng mga antas ng kahusayan bilang babasahin at kagamitang pampagtuturo. Gamit ang Raosoft Sample Size Calculator at Random Sampling Technique, nakuha ang dalawang daan at dalawampu't pito (227) na mga mag-aaral na tagatugon. Ang mga tagataya ng pag-aaral na ito ay tatlon (3) dalubhasa o eksperto sa larangan ng pagsasakomiks, tatlong (3) guro mula sa Department of Education na nagtuturo ng El Filibusterismo at dalawang (2) dalubhasa o eksperto sa pagbabalangkas ng kurikulum. Ang tseklist ni Tamba (2023) ang ginamit ng mananaliksik upang matukoy kung ano-anong mga kabanata ng El Filibusterismo ang hindi alam o pamilyar ng mga mag-aaral. Sa pagtaya ng kahusayan ng binuong komiks bilang babasahin, ginamit ng mananakiksik ang instrumentong binuo ng ReadWriteThink International Reading Association (NCTE) ni Cabiles (2014) at Tamba (2023). Isang talatanungan ang ginamit naman sa pagtaya sa antas ng kahusayan ng binuong komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pagsusuri ng datos ginamit ang mean at standard deviation. Matutunghayang ang mga kabanatang isinakomiks ay mula sa gitnang bahagi ng tatlumpu't siyam na kabanata ng El Filibusterismo. Nang isinakomiks ang nasabing kabanatang hindi pamilyar o alam ng mga mag-aaral, sa kabuoan, napakahusay ang pagtaya ng mga dalubhasa sa isinakomiks na nobela bilang babasahin. Napakahuyasay rin ang naging pagtataya ng komiks bilang kagamitang pampagtuturo. Mahihinuha na ang paggamit ng malalim at makalumang Tagalog sa ilang aklat ng El Filibusterismo ang siyang nakikitang dahilan kung kaya nahihirapan sa pag-unawa ang mga mag-aaral at nagiging sanhi ng kawalan ng pamilyaridad at interes sa nasabing nobela. Nakikitang makatutulong ang isinakomiks na obra sa pagpapabilis ng pagtuturo ng nasabing obra maestra kaya iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin ang komiks bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong midyum sa pagtuturo ng panitikan upang mapataas ang interes, motibasyon, at komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa. Mga Susing Salita: El Filibusterismo, komiks, kagamitang pampagtuturo, panitikang Filipino, debelopmental type 1 na pananaliksik, deskriptiv na pananaliksik | ||
| 526 |
_aTH _bGS |
||
| 650 |
_aHigher education _vTheses and dissertations |
||
| 650 |
_aFilipino language and literature _xStudy and teaching |
||
| 942 |
_2ddc _cTH |
||
| 999 |
_c41621 _d41621 |
||